Negatibong Reaksyon Ng Kapa Members vs PRRD, ‘di kinokonsente

Nilinaw ngayon ng Kapa Community Ministry International Inc. na hindi kinokonsente ng religious organization ang mga negatibong reaksyon o komento ng mga miyembro nito laban sa pamahalaan.

Kasunod na rin ito ng napansin na komento ng ilang miyembro sa mga social networking sites na agad tinutugunan ng Kapa.

Bagama’t malaya umano ang bawat isa na maghayag ng kanilang komento ngunit mas nakakabuting maging responsable ang isang mamamayan ng bansa lalo na kung ito ay miyembro ng Kapa.

Sa mensahe ni Kapa Founder Pastor Joel Apolinario, pinaalalahanan nito ang sinumang miyembro ng Kapa na maaaring parusahan ito kapag maghayag ng negatibong komento laban sa pamahalaan o sa kapwa tao.

Ito’y sakaling magmatigas pa rin ang miyembro sa kabila ng abiso o paalala ng Kapa officials laban sa mga ito.

Paglilinaw ng Kapa may master list ang tanggapan upang matukoy kung lehitimong miyembro ang nagkokomento sa official page ng Kapa.

Napag-alaman na maraming nagkokomento sa Kapa page na hindi Kapa member na sinamantala ang sitwasyon na agad namang pina-banned at pina-block sa social media.

 

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Facebook Comments
0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *