Kapa, Minamadali Na Ang Dokumentong Kailangan Para Sa Pagbabalik Ng Operasyon.

Minamadali na lamang ng legal team ang mga dokumentong kinakailangan para sa agarang pagbabalik ng operasyon ng Kapa Community Ministry International Inc.

Ito ay kinabibilangan ng mga dokumento na kailangan para sa secuirty and protection ng Kapa upang maging ligitimize ang operasyon ng religious organization.

Ito’y hiwalay sa ipinaglalaban ng legal team sa kasong naisampa sa DOJ laban sa mga opisyal nito.

Sa kalatas ng legal team, magiging maayos na ang operasyon ng Kapa kapag ito ay nakumpleto na.

Una nang sinabi ni Kapa Founder Pastor Joel Apolinario sa mga miyembro nito na maghintay lamang sa final announcement ng Kapa para sa agarang pagbabalik ng operasyon nito.

Nais kasi ni Pastor Apolinario na maging maayos ang lahat lalo na ang mga umaasang miyembro para sa kanilang medikasyon, edukasyon, at pang araw-araw na pangangailangan.

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Counter Affidavit Ng Kapa Officials Na Kinasuhan Sa DOJ, Naisumite Na.

Pormal nang naisumite ng legal team ng Kapa Community Ministry International Inc. ang counter affidavit ng mga respondents o ng mga opisyal ng religious sa DOJ panel of prosecutors ngayong araw July 29, 2019.

Kaugnay nito, hiling ng Kapa team sa Department of Justice na agad desisyunan ang reklamong inihain laban sa kanila ng Securities and Exchange Commission.

Kabilang sa naisumite na kontra salaysay ng legal team ay kina: Pastor Joel Apolinario, Reyna Apolinario, Rene Catubigan at Catherine Evangalista sa panel of prosecutors sa pangatlong preliminary hearing.

Nauna nang kinuwestiyon ng Kapa sa isang korte sa General Santos City ang inisyung cease and desist order laban sa kanila ng SEC.

Ito’y dahil inakusahan ng SEC ang Kapa na sangkot umano sa investment scam dahil ang paghingi raw nito ng investment na walang permiso mula sa kanilang tanggapan na labag umano sa Securities Regulation Code.

Itinakda naman ang susunod na pagdinig sa Agosto 5 para sa pagsusumite ng kontra salaysay ng iba pang respondent.

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Pagpapakumbaba at Iwasan ang Pride, Mensahe ni Pastor Joel Apolinario

Nararapat lamang na maging positibo ang pananaw ng Kapa members sa kabila ng pinagdaanan ng organisasyon matapos na pansamantalang ipinasara ang operasyon ng Kapa Community Ministry International Inc.
Sa mensahe ni Kapa Founder Pastor Joel Apolinario ipinaparating nito sa kaniyang mga miyembro na panatilihin ang pagpapakumbaba at iwasan ang pride sa bawat isa.
Ayon kay Pastor Apolinario, tiwala ito na makakabalik sa lalong madaling panahon ang operasyon ng Kapa na magiging maayos na ang lahat para sa kapakanan ng milyun-milyong miyembro nito.
Aniya, naging maayos ang negosasyon para sa kapakanan ng lahat lalo na ang proseso na kinakailangan.
Sa ngayon kailangan lamang na maging mahinahon lahat, maghintay lamang ng opisyal na anunsiyo habang nagpapatuloy ang proseso ng organisasyon sa pamamagitan ng legal team.
“Mayroon na po tayong pagasa na makakabalik ang operasyon.” mensahe ni Pastor Apolinario.

Kapa Legal Team, Handa na sa Nakatakdang Pagdinig sa Kaso!

Tiniyak ng legal team ng Kapa Community Ministry International Inc. na nakahanda na ang mga kinakailangan dokumento at kontra salaysay ng mga respondents na una nang kinasuhan ng NBI at SEC sa DOJ.

Kasunod na ito ng impormasyon na ipinarating ng Kapa legal team lalo na ang susunod na pagdinig na itinakda sa Hulyo 29,2019.

Tiwala rin ang Kapa na papabor sa religious organization ang magiging desisyon ng DOJ panel of prosecutors dahil sa mahinang akusasyon at walang sapat na ebidensiya upang idiin sa kaso ang mga respondents.

Sa ngayon nasa final stage na lamang ang paghahanda ng legal team para sa pormal na pagsumite ng kanilang counter-affidavit sa korte.

Wala ring dapat na ipangamba ang mga Kapa members sa mga naglabasang impormasyon na umano’y pagbuo ng panibagong panel of prosecutors sa DOJ.

Una nang inihayag ni Kapa Founder Pastor Joel Apolinario sa kaniyang mga miyembro na maghintay sa pormal na anunsiyo ng Kapa dahil ginagawa na ng legal team ang mga “paraan o proseso upang agad na makabalik sa normal ang operasyon ng Kapa sa lalong madaling panahon”.

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Hindi Ito Paasa, Kundi ito’y Bagong Pag-asa

Labis ang pasasalamat ni Kapa Community Ministry International Inc. Kapa Founder Pastor Joel Apolinario sa lahat ng mga miyembro nito na naging mahinahon sa pagkansela ng prayer rally na itinakda nitong Hulyo 22, 2019.

Sa naging pahayag nitong umaga ni Pastor Apolinario, pinasalamatan nito ang mga leaders at in-charge na sumunod sa panawagan na hindi na magsagawa ng rally bagama’t naghanda na ang mga miyembro sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ito’y dahil na rin aniya sa magandang oportunidad para sa ministry sa pamamagitan ng negosasyon upang maisaayos ang operasyon nito na walang anumang balakid para sa organisasyon.

“Huwag problemahin ang pagkansela sa ating plano na sa rally sa panahon ng SONA, dahil ito ay kalooban ng ating Panginoon” ani Pastor Apolinario.

Aniya, ang mahalaga ay naging mahinahon ang mga miyembro lalo na ang mga nanabik na upang maibalik na ang operasyon nito lalo na sa usapin ng umano’y legal issue.

Sa ngayon kailangan lamang aniya na maging mapagkumbaba pa rin sa gitna ng pinagdadaanan ng Kapa.

“Ako po ay nasaktan sa pagkansela ng rally dahil handa na sana sa rally pero kailangan talagang gawin, kung makaya lamang sa mahinahon at mapayapang paraan para maibalik ang operasyon so iyon ang ginawa ko.” ani Kapa Founder Pastor Joel Apolinario.

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

VICTORY IS ON GOING

Ilang detalye sa pagbabalik ng Kapa, “isinasapinal” na lamang.

Binigyang diin ng Legal Team ng Kapa Community Ministry International Inc. na isinasapinal na lamang ang mga detalye upang maibalik na sa Normal ang Operasyon ng Kapa.

Sa impormasyon na ipinarating ng Kapa Legal Team may ilang mga dokumento lamang umano ang kailangang isumite ng Kapa para sa normal na Operasyon nito.

“Naa gina-workout para ma-Ligitimize ang Operasyon”. Naa gihatag nga timeframe para ma-Legitimize ta. Naa tay assurance with us, ga-formulate nata og Process and Policy” pahayag ng Legal Team.

Napag-alaman na una nang kinansela ang itinakda sanang prayer rally na may petsang July 22, 2019 kasabay ng ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pag-uusap ng dalawang panig.

Bong Cagape-Kapa Media and Marketing Network/
Kapa Global/Jack Radio Koronadal

KAPA update July 21,2019

To all KAPA members and officers, please be informed that the KAPA core group and legal team are now in the process oflegitimizing the operation of KAPA and established linkages for the success of the operation.

This could be the answer to all our prayers for KAPA to go back but cloth with legalities.

Thus, all members and officers are advised to refrain from conducting rallies during the SONA of PRRD in order
not to complicate the situation.Ptr. Joel Apolinario is trying his best to continue his advocacy to help the
more or less 5 million KAPA members and exhausted all legal means to legitimize
the operation.

He is with us in this battle and we are also with him in this crisis..Thank you for your undying support and
commitment to this cause for at the end of the day we will end up VICTORIOUS..LONG LIVE KAPA!