Kapa, May Apela Sa Mga Miyembro Para Sa Agarang Pagbabalik Ng Ministry

Nakikiusap muli ang pamunuan ng Kapa Community Ministry International Inc. sa lahat na mga miyembro nito na maging mahinahon lamang at maghintay sa tamang anunsiyo at lehitimong balita mula sa religious organization.

Ayon sa legal team, kung nais ng mga miyembro na matapos at mapadali ang pagbabalik ng Kapa mas nakakabuting maghintay na lamang at iwasan na ang pagsasampa ng reklamo sa paniniwalang maibalik ang kanilang nai-donate sa Kapa.

Paliwanag ng legal team panibagong sitwasyon at reklamo na naman ang kailangan na asikasuhan imbes na patapos na sa reklamong nakabinbin sa DOJ panel of prosecutors.

Anila, nakakaantala lamang ang gagawin o reklamo ng miyembro sa pagbabalik ng religious organizations kung magpursige na magreklamo ang mga ito.

 

 

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Bagong Impormasyon Ng Jack Radio Koronadal, Inaabangan

Inaabangan na ng mga Kapa members ang bagong mga balita at impormasyon sa 90.5 Jack Radio Koronadal na maghahatid ng mga lehitimong balita at bagong impormasyon para sa milyun-milyong miyembro nito sa buong bansa na pag-aari ng Kapa Community Ministry International Inc.

Layunin ng Jack Radio Koronadal na maiparating ang bagong balita at impormasyon sa Kapa na simulcast sa Facebook page live na Jack Radio online o live streaming sa pamamagitan ng www.kapamedia.org na may kaakibat na balitang mababasa.

Ayon kay Kapa Founder Pastor Joel Apolinario, ipaparating ng Kapa ang mga mahalagang impormasyon sa pamamagitan ng Jack Radio at iba pang radio station nito upang maiwasan ang fake news na nais lamang siraan ang Kapa.

Sa pamamagitan ng Kapa radio stations at ng Kapa Media and Marketing Network maiparating ang magandang balita sa mga miyembro imbes na maniwala sa mga “bias media” na may sariling personal interest.

Mensahe ni Pastor Apolinario sa mga Kapa members abangan ang mga anunsiyo at updates sa pamamagitan ng programa sa Jack Radio Koronadal at Kapa Media and Marketing Network.

 

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Reply Aaffidavit Ng SEC Sa Kapa, Pinasusumite Ng DOJ Sa Susunod Na Pagdinig

Inaasahan na magsusumite ng kanilang reply-affidavit sa susunod na Linggo Agosto 15 ang Securities and Exchange Commission (SEC) matapos naghain ng counter affidavit kamakailan lamang ang mga inireklamong opisyal ng Kapa Community Ministry International Inc. sa Department of Justice (DOJ).

Kasunod na rin ito ng kautusan ng Department of Justice (DoJ) panel sa SEC na magsumite ng kanilang tugon sa counter affidavit.

Samantala nasa 10 araw naman ang ibinigay ng DoJ panel sa mga respondent o mga inireklamong Kapa Official para magsumite ng kanilang rejoinder affidavit kapag naisumite na ng SEC ang kanilang tugon.

Sa nakaraang pagdinig dumalo ang legal team ng Kapa na sina Atty. Montano Nazario Jr., Atty. Karl Steven Co at Atty. Mae Divinagracia na abogado ni Pastor Joel Apolinario, ang founder ng KAPA Community Ministry International.

Inaasahan namang agad na makapagpalabas na ng desisyon ang DOJ panel na sana ay papabor sa Kapa dahil sa maraming apektadong naghihintay ng pagbalik-operasyon nito lalo na ang mga umaasa sa kanilang edukasyon medikasyon at pang-araw-araw na hanap buhay.

 

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Kapa, Nilinaw Na Hindi Kinakalaban Ang Ibang Religious Group

Nilinaw ng pamunuan ng Kapa Community Ministry International Inc. na hindi nito kinakalaban ang iba pang mga religious organization sa bansa.

Ayon kay Kapa Founder Pastor Joel Apolinario, hindi nakikipag-away o nakikipagtalo ang Kapa sa mga ito sa kabila ng mga pasaring ng ilang opisyal at miyembro ng relihiyon tulad na lamang ng Seventh Day Adventist (SDA) Church, Jesus is Lord Movement (JLM) at iba pa.

Paliwanag ni Pastor Apolinario maraming mga miyembro ng Kapa ang galing sa iba’t-ibang simbahan o relihiyon na bukas namang tinatanggap ng religious organization.

Aniya, may pagkakataon lamang na hindi maiwasang sagutin ang pasaring ng ilang taga simbahan na hindi na tama kung minsan.

Depensa ng Kapa, handang makipag-ayos ang milyun-milyong miyembro nito lalo na kung ito ay para sa kabutihan at kapakanan ng sambayan.

 

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Pag-Audit Ng BSP At SEC vs Kapa, OK Sa Religious Organization

Welcome sa Kapa Community Ministry International Inc. ang isinagawang pag-audit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa religious organization.

Sa kalatas ng Kapa, nais lamang ng BSP at ng SEC na maging transparent ang financial records o financial statement ng Kapa lalo na’t pending pa ang reklamo sa DOJ na nakatakdang desisyunan ngayog buwan ng Agosto 27.

Ayon sa pamunuan ng Kapa sa pamamagitan ni Founder Pastor Joel Apolinario bukas ang organisasyon sa hakbang ng ilang ahensiya ng pamahalaan lalo na ang pag-audit sa financial records kahit pa na ito ay isapubliko lalo na’t transparent aniya ang transactions ng religious organization.

Paliwanag ni Pastor Apolinario, walang itinatagong kwestiyunableng transactions ang Kapa kaya’t wala aniyang dapat ikabahala ang religious organization na tumutulong sa kabuhayan ng mga miyembro nito sa buong bansa.

Hiling din ng Kapa na sana ito rin ang gagawin ng BSP at ng SEC sa iba pang relihiyon, hindi na pawang Kapa na lamang ang pinupunterya palagi para maging patas sa lahat at malaman kung mayroong tinatawag na transparency sa kanilang mga financial records.

 

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Negatibong Reaksyon Ng Kapa Members vs PRRD, ‘di kinokonsente

Nilinaw ngayon ng Kapa Community Ministry International Inc. na hindi kinokonsente ng religious organization ang mga negatibong reaksyon o komento ng mga miyembro nito laban sa pamahalaan.

Kasunod na rin ito ng napansin na komento ng ilang miyembro sa mga social networking sites na agad tinutugunan ng Kapa.

Bagama’t malaya umano ang bawat isa na maghayag ng kanilang komento ngunit mas nakakabuting maging responsable ang isang mamamayan ng bansa lalo na kung ito ay miyembro ng Kapa.

Sa mensahe ni Kapa Founder Pastor Joel Apolinario, pinaalalahanan nito ang sinumang miyembro ng Kapa na maaaring parusahan ito kapag maghayag ng negatibong komento laban sa pamahalaan o sa kapwa tao.

Ito’y sakaling magmatigas pa rin ang miyembro sa kabila ng abiso o paalala ng Kapa officials laban sa mga ito.

Paglilinaw ng Kapa may master list ang tanggapan upang matukoy kung lehitimong miyembro ang nagkokomento sa official page ng Kapa.

Napag-alaman na maraming nagkokomento sa Kapa page na hindi Kapa member na sinamantala ang sitwasyon na agad namang pina-banned at pina-block sa social media.

 

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Iba Pang Respondent, Nagsumite Ng Counter Affidavit

Hinihintay na lamang ng Kapa Community Ministry International Inc. ang ilalabas na resolusyon o desisyon ng DOJ panel of prosecutors kasunod ng pagpatuloy ng preliminary investigation nitong umaga sa DOJ.

Sa isinagawang pagdinig, nagsumite ng kanilang counter affidavit ang dalawa pang respondents na una nang inireklamo ng NBI at ng SEC.

Ayon sa legal team, itinakda ng DOJ panel ang susunod na pagdinig sa Agosto 15 kung saan inaasahan ang pagdalo ng complainants o ng SEC para sa reklamo.

Sa Agosto 27 naman posibleng maglalabas na ng kanilang desisyon ang DOJ kaugnay sa kaso.

Napag-alaman na sa nakaraang pagdinig noong July 29 naghain ng kanilang kontra salaysay sina: Kapa Founder Pastor Joel Apolinario, Reyna Apolinario at Rene Catubigan na pinanumpaan kamakailan sa prosecutors office sa bahagi ng Mindanao.

Sa muli, pakiusap ng Kapa sa mga miyembro nito na ipagpapatuloy ang pagdasal para sa tagumpay at muling pagbabalik nito lalo na’t maraming mga miyembro ang umaasa sa kanilang edukasyon, medikasyon at pang araw-araw na pamumuhay.

 

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Mga Nanamantala Sa Kapa, Sasampahan Ng Kaso

Tiniyak ng pamunuan ng Kapa Community Ministry International Inc. na handa itong magsampa ng kaso laban sa namumuno ng sinasabing Kapa Coin na nambiktima ng mga Kapa members at iba pa upang makapangbiktima ng malaking halaga ng pera.

Sa pahayag ni Kapa Founder Pastor Joel Apolinario sa Jack Radio Koronadal sinabi nito na labis itong nadismaya sa ginawa ng ilang personalidad lamang mambiktima ng mga kababayan.

“Isa sa bilin sa inyo, sana ay huwag sumali sa grupo na iyon, para sa kanilang kapakanan lang ang tinatanaw nila.” pahayag ni Pastor Apolinario.

Una nang sinabi ni Pastor Apolinario na walang pahintulot o anumang basbas mula sa Kapa ang naturang panloloko.

Kaugnay nito, pursigido ang pamunuan ng Kapa na magsampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng Kapa coin upang mahinto na ang panloloko ng mga ito.

“Kung magpatuloy po ito, ako po ay maghain ng kaso dahil ito ay labag sa intellectual right ng Kapa na ginagamit lamang ang mga members na magkaroon ng paglagak ng pera, gamit ang grupo. wala pong kinalaman ang management ng Kapa sa Kapa coin. Ibang grupo yan.” ani Kapa Founder Pastor Joel Apolinario.

 

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Positibong Artikulo Ng Mga Pahayagan Pinuri Ng Kapa

Labis ang pasasalamat ng Kapa Community Ministry International Inc. sa mga positibong opinyon at impormasyon na isinasapubliko ng mga malalaking pahayagan sa bansa.

Sa mensahe ngayong araw ni Kapa Founder Pastor Joel Apolinario, pinuri nito ang pagiging responsable ng nasabing mga mamamahayag na nagsagawa ng sariling imbestigasyon sa religious organization.

Ayon kay Pastor Apolinario, pagpapakita lamang ito na walang pinapanigan ang nasabing pahayagan lalo na ang Manila Bulletin at ang Manila Star na nagpatotoo sa layunin ng Kapa bilang religious organization na tumutulong sa pamamagitan ng social responsibility.

Patunay aniya rito ang nagawa ng Kapa sa kanilang buhay lalo na ang matagal na nagpamember sa Kapa.

Isa sa malaking naitulong ng Kapa sa mga miyembro nito na nagpatunay ay sa aspeto ng edukasyon, medikasyon at pang araw-araw na pamumuhay.

“May mga artikulo sa Kapa na walang nagawang masama, free exercise of religion, at pagtulong sa mga miyembro nito na nai-publish sa Manila Bulletin at Manila Star” ani Pastor Apolinario.

 

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

Kapa Coin, Mariing Pinabulaanan Ni Kapa Founder Pastor Apolinario

Mariing pinabulaanan ngayon ng Kapa Community Ministry International Inc. ang sinasabing Kapa coin na isa sa sinasabing pag-aari ng religious organization.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ni Kapa Founder Pastor Joel Apolinario sa milyun-milyon miyembro nito na huwag maniwala sa sinasabing Kapa coin na nais lamang makapera sa mga miyembro ng Kapa.

Ang kumakalat na umanoy “Kapa Coin” ay naghihikayat ng mga investors kapalit ng malaking porsyento ng pera na may online transactions.

Nilinaw ng Kapa na walang kinalaman ang religious organization sa naturang transactions at wala itong pahintulot mula sa pamunuan ng Kapa.

Ang agarang paalala ni Pastor Apolinario ay kasunod ng pagkalat ng Kapa coin transactions sa social media lalo na sa facebook gamit ang pekeng facebook page/account upang hikayatin ang publiko na maglagak ng kanilang pera.

Sa muli paalala ng Kapa sa publiko lalo na sa mga miyembro nito, maghintay sa anunsiyo ng Kapa management o di kaya’y makipag-ugnayan sa mga OIC/managers ng Kapa branch offices.

 

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal